Kapag pumasok ang coronavirus (SARS-CoV-2) sa iyong katawan, magkakasakit ka ng COVID-19. Kapag nagka-COVID-19 ang isang tao, lalagnatin at uubuhin siya. Kumakalat ang COVID-19 mula sa droplet at contact transmission.
Kapag pumasok ang coronavirus (SARS-CoV-2) sa loob ng iyong katawan, maaaring hindi ka magkalagnat o ubo. Gayunpaman, maaari ka pa ring makahawa ng ibang tao dahil nasa loob ng iyong katawan ang coronavirus.
Dahil dito, mangyaring dumistansya kapag nakikipagkita sa ibang tao. (Tinatawag itong social distancing)
Gayundin, magsuot ng mask kapag nakikipag-usap sa ibang tao. Mag-ingat upang hindi mahawaan ng COVID-19 at hindi makahawa ng ibang tao.
Sundin ang mga panuntunan.
Paghugas ng kamay
Etiketa sa pag-ubo
Bentilasyon
Pag-iwas sa masikip na lugar
Pag-iwas sa mataong lugar
Pag-iwas sa malapitan na usapan
Upang hindi mahawaan ng COVID-19 at iba pang sakit, mahalaga ang "paghugas ng mga kamay at daliri" at "pagsunod sa etiketa sa pag-ubo."
Ang mga pangunahing paraan upang pigilan ang pagkalat ng nakakahawang sakit gaya ng COVID-19 ay “paghugas ng kamay” at “sundin ang etiketa sa pag-ubo tulad ng pagsusuot ng mask”.
Sa karamihan ng kumakalat ang impeksyon na lugar ay “kulang ng bentilasyon (Masikip na lugar)”, “lugar na nagsisiksikan ang mga tao (Mataong lugar)”, at “lugar na malapitang usapan sa maraming tao (Malapitang usapan)” Tawagin natin itong “3M”. Iwasang magtipon sa mga lugar na kulang ang bentilasyon at kung saan nagsisiksikan ang mga tao. Gawin nating ang mga pakay ang “3M”.
Kung hinihinalaan mong tinatrangkaso ka, mangyaring huwag pumasok sa eskuwela o sa trabaho. Sukatin ang iyong temperatura araw-araw, at isulat ito sa papel.